Paano magbago?

Dalawang klaseng tao lamang ang nabubuhay sa mundong ito. Una, ang mga taong pinanganak na mabait, lumaking naimpluwensyahan ng kasalanan at kasinungalingan, nabigyan ng pagkakataong magbago at tuluyang nagbago. Sila ang mga taong naniniwalang posibleng magbago kahit ang pinakamasamang tao sa mundo. Pangalawa, ang taong pinanganak na mabait, lumaking naimpluwensyahan ng kasalanan at kasinungalingan, nabigyan ng pagkakataong magbago ngunit pinagpatuloy pa rin ang paggawa ng kasalanan. Sila ang mga taong naniniwalang posibleng magbago ngunit takot magbago. Alin ka ba sa dalawa?

No comments:

Post a Comment