MEET THE FACEBOOK ADIKS

Kasabay ng paglipas ng oras ay ang pagyabong ng industriya ng facebook. At ikaw ang dahilang kung bakit patuloy ang pag-usbong ng industriya ng iyong kinagigiliwan. Isang pagpapatunay ang mga salitang madalas maririnig sa loob ng internet café “extend 2 hours teh/kuya”. Kapuna-puna rin ang mg salitang “mag-status sa ko girl” o di naman kaya ay “i-tag ko sa pix ha?”. Ilan lamang ito sa madalas na kinagigiliwan ng kabataan ngayon  sa halos lahat ng internet café na nakapalibot sa harap, gilid at magpahanggang sa likod ng kanilang bahay o boarding house. At siyempre sino ang hindi naglalaro ng mga facebook applications lalo na ang tetris at monster fusion at kung anu-ano pa?

Kilalanin natin ang iba’t ibang uri ng mga facebook addicts ayon mismo sa uri na kanilang kinabibilangan:
‘Add Friends’ addicts. Ang mga taong ito ay madalas chini-check ang bilang ng kanilang friends. Kapag nakita niyang mas maraming friends ang kanyang kaibigan, naiinggit sila at hihigitan nila ito. Kung sinu-sino lang ang ina-add nila kahit pa karamihan ditto ay talagang hindi nila kakilala. Ang pag-add ng friends ang tanging ikinasisiya nila sa buhay. At mas nasisiyahan sila kapag umabot na ng mahigit sa isang libo ang kanilang friend lists sa facebook. Para sa kanila mas mabuti nang magkaroon ng maraming-maraming kaibigan sa Luzon, Visayas at Mindanao sa facebook kaysa sa totoong buhay. Palakaibigan ang mga taong ito ngunit sa facebook lang.

‘Online Checker’ addicts. Magkasangga ng mga taong ito ang unang nabanggit. Pareho silang maraming kaibigan. Ang pinagkaiba nga lang ay mas nasisiyahan ang mga taong ito kapag nakikita niyang maraming online sa tuwing nagla-log in siya. Mahilig silang makipa-chat sa facebook. Ngunit hindi sila mahilig makipag-usap sa totoong buhay. Nasisiyahan sila kapag mahigit sa isang daan ang kanilang online friends. Ngunit hindi dito nagtatapos ang kanilang kinagigiliwan. Napapangiti sila kapag nakita nilang online din ang kanilang cute crush. Sila din yung mga taong medyo naiinis dahil medyo pangit na ang “online friends” area ng facebook sa kasalukuyan.

Pangatlo ang ‘relatives addicts’. Masasabi talagang addict ang mga taong ito dahil kakaibang level ang kanilang profile. Kapansin-pansin sa kanilang facebook page ang napakahabang listahan ng kanilang mother, father, sister, brother, cousin(male), cousin (female), niece, nephew, uncle, aunt. Ang mas nakakapraning, ginawang mother at father ang kani-kanilang friends at classmates. Adik!  Para sa kanila mas cool tingnan ang ganitong trip kaysa magpapansin sa online na crush at mag-a-add ng di kilalang tao. Hind man nila kaanu-ano ang mga nasa mahabang listahan na ito, kahit papaano ay nagiging active facebook user naman daw sila. Kagaya ko, baka napabilang ka rin sa kanila.

‘Notification’ addicts. Ang tanging magpapasaya sa mga taaong ito ay ang red-in-color- notifications sa kanilang page.  Para sa kanila, dili uga ang kanilang page kung dahgan sila’g notifications. Ito rin ang pampagana nila sa kanilang facebook life. Nagse-self pity sila kapag wala silang notifications dahil wala raw nagmamahal sa kanila (emo?). Minsan ginagawan nila ito ng paraan. Hinihikayat nila ang lahat ng friends na mag-comment, like, and everything sa kanilang profile magkaroon lamang sila ng notifications.
‘Prim’ Pix’ addicts. Di tulad ng apat na nabanggit, tanging primary picture lang ang pinagtutuunan ng pansin ng mga taong ito. Wala silang pinagkakaabalahan sa buhay kundi ang kumuha ng kumuha ng kumuha ng sarili nilang mga larawan para gawing primary picture. Minu-minuto sila kung magpalit ng picture sa profile. Kung makagpalit kala mo may collection ng picture gayung pareho lang naman ang mukha, sila rin naman pala yung pinalitan nilang picture.

Panghuling addict ay ang ‘comment-like-ers’. Sila ang mga taong hindi napapagod magcomment ant mag-like ng mga posts ng kani-kanilang friends. Para sa kanila, mas mainam n daw ito para hindi magiging komplikado ang kanilang facebook life. Naniniwala sila sa kasabihang “to like and to comment is already to choose”. Simple lang ang buhay nila kaya simple lang din ang ginagawa nila sa fb- ang maglike at magcomment. Kontento na sila ganitong Gawain kahit wala silang masyadong friends at notifications.
***
Ano kaya kung mayroong  Facebook University kung saan ituturo ang mga bagay na hindi pa lumalabas ngayon sa FB sa kasalukuyan? Marami kaya ang magpapa-enrol?
Ang lahat ng nabanggit sa itaas ay iilan lamang sa madalas n pinaglalaanan ng panahon ng mga kabataan ngayon. Hindi masama ang ilibang ang sarili sa ganitong Gawain pero huwag sana nating kalimutan ang tinatawag na totoong buhay at reyalidad. Dito natin dapat mas pagtuunan ng pansin ang ating mga sarili kung saan totoo tayong makapag-add ng friends, makapag-usap ng maayos, makapaglaan ng oras sa pamilya at makapagbigay ng quality time sa Panginoon.

No comments:

Post a Comment