Evolution, Atheism and Religion

It was February 4, 2012 when I received argumentative statements from Anonymous in my Tumblr inbox which talk about Evolution, Atheism and Religion. The exact statements were:

Evolution is proven. God doesn’t exist. Science explains everything. “Morality is doing right, regardless of what you’re told. Religion is doing what you’re told, regardless of what is right.” - Let us strive for a world where science and reason make the human race progress, instead of being divided by “religion”. I don’t need religion, I have a conscience.
I first felt upset upon receiving such statements but God reminded me not to be deceived in any way (2 Thessalonians 2:2). With the help of my American friend who has an Evidence Bible and through the guidance from Above, I was able to respond and proved him/her wrong.

Let me begin with: Evolution is proven. Actually, it is not. What we see in the world is natural selection and survival of the fittest. I am yet to meet anyone who can prove the Big Bang Theory. To further disprove evolution, “people, animals, birds, and fish are each made of flesh, but none of them are alike” (1 Corinthians 15:39). We are of different flesh than animals.

God doesn’t exist. The fool says in his heart that there is no God (Psam 14:1). There is no such thing as an atheist. We are created to worship something. If you proclaim that there is no God, then you are clearly the god of your own life. Just because you’ve proclaimed it, doesn’t make it true. If I could say there’s no gravity, does this mean there’s no gravity? To say that there is no God requires you to have infinite knowledge of all things created, all things yet to come, and all things that have passed.

Science explains everything. Science merely explains the logical side of God and His creation. In the scientific proof of the Bible, it shows scientific facts and principles referred to in this ancient Bible, but not actually discovered by humankind until later centuries. I researched in the wiki.answers.com if when was the water cycle discovered. According to that informative website, ‘According to historians, the water cycle was discovered slowly over a period of painstaking years. However, Bernard Palissy is credited in the 16th century to be the scientist who compiled the theories that existed for years and “wrote” our modern hydrological cycle.’ But much to the surprise of others, according to documents that date back to before the Common Era (thousands of years), knowledge of the water cycle existed then. These documents are found in the manuscripts of the Bible, and illustrating just one instance, found in the oldest manuscript known in the Bible, the book of Job and Ecclesiastes, specifically 1:7. Before man discovered that the air has weight on 16th century, there was already a significant record of it in Job 28:25. To take note, the Bible is estimated to have been written between 1450 BC and 95 A.D.

”Morality is doing right, regardless of what you’re told. Religion is doing what you’re told, regardless of what is right.” I propose rhetorical questions: Where do we even get these morals? Why is it wrong to murder, or rape, or steal if there is no God? The Lord writes our morals upon our hearts (Hebrews 10:16). We have eternity in our hearts (Ecclesiastes 3:11).

Let us strive for a world where science and reason make the human race progress, instead of being divided by “religion”. I find it peculiar that people seem to target people who are seriously serving God. We must be doing something right as what God tells us to do. ‘If the people of this world hate you, just remember that they hated me first. If you belonged to the world, its people would love you. But you don’t belong to the world. I have chosen you to leave the world behind, and that is why its people hate you. Remember how I told you that servants are not greater than their master. So if people mistreat me, they will mistreat you. If they do what I say, they will do what you say’ (John 15:18). Science and reason do not make the world progress. Our world is doomed to eventual implosion. Scientists promote that the world is not sustainable enough to last another hundred years. Our cultures are going to die out because we lack selflessness. 

I don’t need religion, I have a conscience. Where did our conscience come from? It’s been dictated by someone… Or Someone. People don’t really need religion. What they need is a personal, serious and intimate relationship with God.

The inquirer’s logic is futile. All these questions are rhetorical. People who always have a doubt and keep on questioning God only end up frustrated. My response is according to the Scriptures, and not a man made argument.

I won’t make this article long. What I’ve presented here in response to what I have received in my Blog was based on my evidence- Bible. I am not starting a debate. Nor do I want to demean people who are against God or don’t believe in God. For a serious reason, I respect them. For I know, in God’s time, they will know the absolute truth that will set their mind in bondage from the enemy free.

COFFE BREAK


January 15, 2011,8:00am-Late na akong nagising. Pa’no ba naman kasi, pasado alas dose na ng madaling araw nakauwi mula sa conference na dinaluhan. Last night na kasi kaya dapat sinulit na ang dapat sulitin. Party kung party (Hindi yung party na nasa disco club ang tinutukoy ko). Receive kung receive. At kumanta ng kumanta hanggang sa mapaos. Lahat ng ito, ayos! Ne-revived ako bigla. Parang adversitement sa TV na kung meron instant whitening toothpaste, instant din ang pagkaramdam ko ng revival sa sarili. Iba ang nangyari sa akin kagabi. May hang-over pa nga ako kaya late nang nagising.





Iba rin ang mood ko ngayong araw. Masaya! Ayos! Iba ito sa mga nagdaang araw na lumipas sa buhay ko. Whew! Pagkatapos maligo at mag-ayos para pumunta ng simbahan, dumaan muna ako sa Owes Bakeshoppe sa likod ng Victoria Plaza Mall upang makapagkape at makapag-pandesal. Yung kaping ina-advertise sa TV. Ito ata ang linya ng endorser, Brown Coffee, Yummy. Tinikman ang kape. Kinuha ang isa sa limang pirasong pandesal. Masarap nga naman talaga. Suki na ako sa kapeng ito.

Paunti-unting hinigop ang kape. Ang sarap! Yummy nga talaga! Mula pagkabata hanggang umabot kolehiyo, ito na ang kapeng kinagiliwan ng mga magulang kong bilhin para sa aming pamilya. Ito raw ang kape ng dekada at siglo. Hindi ko alam kung bakit pero sa tpagkakaalam ko (kunwari alam ko), uso ang trading o mas kilala sa tawag na barker system ng mga kape, siling labuyo, at kung anu-ano pa noong panahon ng paghihimagsik ni Aguinaldo sa mga Kastila. Ito rin siguro ang paboritong kape ni Magellan noong kapanahunan niya. At si Lapu-lapu siguro ang unang endorser nito. Hind ko lang ma-imagine si Lapu-Lapu habang nakasuot ng bahag at may itak sa sunturong gawa sa abaka sa tagiliran habang nagsasabing, Brown Coffee, Yummy! 

Pero sa totoo lang, sinasaludo ko ang nakaimbento ng kape sa mundo. Isali na rin ang iba pang naimbentong produktong talaga namang nakatulong sa pamuhuhay ng mga nasa mundong ibabaw. Mula sa imbensyong para sa paa hanggang sa kinagigiliwan nating imbensyong para sa buhok. Mula sa medyas, nail cutter, sapatos, tsinelas at gamot sa Athlete’s foot hanggang sa pang-ipit ng buhok, sombrero, shampoo isali na rin ang nakaimbento ng brief, bra, deodorant, at damit. Minsan bumibili tayo nito pero kadalasan nakiki-avail na lang sa produktong ibinibigay nga mga kompanya nito. Hindi ko alam kung old stocks na ba ang mga ito kaya ipinamimigay na lang basta ‘t libre kang makakatanggap, solb na!

Hinigop na naman ng kape at kinain ang pangalawang pandesal. Minsan nang pumunta ako ng Manila para umattend ng Geological Conference noong December 2011, kasama ko ang ate ko na sumakay ng MRT. Pagkababa naming sa Cubao Station, naki-avail ako sa Gatsby na ipinamigay. Ayos yung ganun, biruin mo nakaapat akong Gatsby sachet. Para sa pang-apat na araw na rin yun. Sa school naman, suki na ang paaralan naming sa mga ganung bagay. Iba’t ibang product company ang pumupunta upang magbigay ng deodorant, shampoo, facial moisturizer, toothpaste, toothbrush at kung anu-ano pa. Nakiki-avail naman ang mga estuyanteng naubusan na ata ng toothbrush, toothpaste, shampoo at deodorant sa kanilang boarding house. O di naman kaya ay naubos ang allowance sa pagfe-facebook at sa pagcla-club ng magdamagan kaya nakikisiksik na lang sa freebies na ibinibigay. Yung iba hindi pa nakontento, nakatanggap na nga, babalik ulit upang manghingi ng higit sa isang produkto. Hanep ka tol! Ginawa mong collection items yung deodorant, shampoo, toothpaste at toothbrush. Tapos ide-display ang mga ito sa bahay at gawing tourist post para sa mga bumibisitang kamag-anak. Tapos mami-misinterpret ng isa mong kamag-anak ang colletibles mo at magtatanong ng: siguro tinubuan na yang kili-kili mo ng sibuyas at bawang dahil hindi mo ginagamit ang mga deodorant na ‘to. Sabay turo sa mga naka-display na deodorant.. Ilang kilong na ba ng ginto ang naipon mo at bakit hindi mo ginagamit itong mga toothbrush at toothpaste. Ituturo naman ang toothbrush at toothpaste. At ikaw naman ay maiinsulto sa komento ng kamag-anak mo at palalayasin mo sila at gagayahin mo ang napanuon mo sa teleserye sa TV: Lumayas ka! Lumayas ka! Sabay tulo ng luha sa mga mata. At kaw ay dahan dahang pupunta sa collectible times at iiyak na parang bida sa teleserye na inapi ng mga kontrabida.

Yung ibang kaklase ko na-overwhelmed nang makatanggap ng libreng toothpaste. Pirst taym daw nila kasing makatanggap ng ganun nila sa buhay. Yung iba ipinamalita talaga sa iba na mayroong nagbibigay ng freebies sa harap ng school. Himala na kasi ang ganitong pangyayari sa kanilang buhay.

Sa hirap ba naman ng buhay ngayon, talagang himala na lang ang magbibigay ng libeng bagay. Ipagpasalamat na lang natin na mayroon pa ring mga taong handang magbigay para sa kapwa. Ang tinatanggap nating mga produktong ibinibigay ng libre sa mall, sa school at sa daan, minsan ay may kapalit. Oo nga’t hind pinipilit ngunit ipapayo nilang bilhin mo ang mga bagay na ganito at ganyan dahil sulit daw ang perang ibabayad mo. Ngunit may kilala akong Taong kayang ibigay ang lahat para sa’yo.

Hayaan mong ipakilala kita sa Isang Taong ibinigay ang kaluwasan kapalit ang Kanyang buhay. Sinakripisyo Niya ang sakit ng mga latigong humampas sa banal Niyang katawan, hinayaan Niya ang sarili na  mapako sa Krus matubos lang tayo sa ating kasalanan. Lahat ng ito ay libre Niyang ipinagkaloob para sa akin, sa’yo, at sa mundo. Di tulad ng mga produktong iyong libreng natatanggap, hindi mo na kailangang magpapako pa sa Krus bilang pagtanaw ng utang na loob sa Kanya. Ganito Niya tayo kamahal. Ang pagmamahal na hindi kayang pagumaan ng panahon. Ang pagmamahal na hindi kayang pantayan ng ninuman. Siya sa Jesus Christ.
                                                                                                    
***

Lagpas 10:00 am na. Magsisimula na ang second service sa Buhangin Community Church. Hindi ko napansing nangalahati na pala ang kape at paubos na ang pandesal sa table na kinauupuan ko. Nakaramdam ako ng kirot nang makita ang isang matandang babae hawak ang lumang basong ipinanglilimos niya sa gilid ng bakeshoppe. Tumayo ako at bumili ng kape. Iniabot sa kanya ang isang mainit na kape at pandesal. Hindi ‘ko mapigilang mapaluha nang makita ko siyang unti-unting ngumiti sabay sabing, “Maraming Salamat”.

Isaiah 65:24 (CEV)



Have you ever thought about something you wanted or needed, and suddenly that need was supplied even before you had time to stop and pray? God knows your needs before you even speak them. He wants to provide for you and answer the very desires of your heart. Don’t ever think God is too busy to answer you. Don’t ever think your needs are too small or that you don’t matter. The truth is that He cares about everything that concerns you, and He loves to hear you call upon His name! When you put Him first in everything you do, when you faithfully follow His commands, He’ll pour out an extra portion of His goodness and favor upon you!

Remember, you are very special to God, and He hears you and answers you. It may not be in your timing or in the way you expected, but know that He always has your best interest at heart. He is working things out for your good, and He will always answer—sometimes before you even call!

Song No. 1

I've decided to post this song because it simply describes how immeasurable God's love is for us.
 Feel the song! This is more than just song. This is love- a love that everybody longs to feel.

Arise Davao 2012


Batang Manunulat


Si Louie ay pinanganak na may dugong manunulat. Haha. Sa katunayan, sumusulat siya ng kahit anong paksa. Yung tipong, siya lang din ang nakakaintindi.

Nag-aaral siya ngayon ng BS Geology sa University of Southeastern Philippines (USeP)-Obrero Campus. Kilala siya sa kanilang school bilang estudyanteng panay ang shifting ng course. Biruin mo, pangatlong kurso na niya ang kasalukuyan niyang kinukuha ngayon. Una niyang kinuha ang BSEd major in Mathematics. Sa totoo lang, napilitan lamang siyang mag-education dahil naubusan siya ng slot sa BS Civil Engineering. Tama ang nabasa mo. Mag-BSCE sana siya kahit hindi siya ganun kagaling sa sin-cos-tan. Kaya no choice, napilitan siyang mag-educaton. Umabot din siya ng one year sa pagiging education student. Matapos ang isang taon, napagpasyahan niyang  mag-shift ng BS Mining Engineering. Umabot din sa isang taon ang kalbaryo niya sa ilalim ng lupa, sa  paghuhukay ng kayamanan ni Yamashita. Haha. Pero talagang umabot siya ng one year. Pagkatapos nito, naisipan naman niyang lumipat naman sa ibang kurso. Kaya hayun, nag-BSGeo na naman siya. Sa kasalukuyan, masaya na siya dahil makakapiling niya sina Chromite, Quartz, Silver, Phyrite, Diorite at marami pang iba. Naa-astigan siya ngayon sa kurso niya dahil kunti lang daw sa buong Pilipinas ang kumukuha nito. Oo. Anim lang na University sa Philippines ang nagbibigay ng ganitong kurso. Isa na nga rito ang USeP-Obrero. Rare kumbaga sa ingles. Astig sa Tagalog. Achups sa wikang balbal. Ayaw na raw niyang lumipat pa ng kurso at baka umabot siya sa maximum stay sa paaralan. Tama ng raw ang Geology. Gusto na niyang maging Geologist. Yun ay kung papalaing makagradweyt. Haha
To be continued…

(P.S. Nilagyan ko ng To be continued… dahil hindi pa 'to tapos. Nakakapagod kasing mag-type. Tatapusin ko na lang ang pagpapakilala sa kanya kapag may kunting panahon na ako.)

Bakit Mahirap Mamuhay sa ‘Pinas?

Ang mga Pilipino ay kilala bilang maabilidad, may positibong pananaw sa buhay at may angking galing at talino. Ngunit sa kabila ng mga positibong pananaw sa buhay ay hindi pa rin maiiwasan ang pagkakaroon natin ng mga pag-uugaling akala natin ay nakakatulong sa pag-unlad ng bansa ngunit taliwas sa realidad-mga oryentasyong humihila sa atin pababa at naghuhukay sa sarili nitong libingan.

Mas mainam kung ating kikilatisin ang mga pag-uugaling Pinoy na hanggang sa ngayon ay nagdudulot ng hirap at pasakit sa maraming Pilipino. Mga ugaling nagsisilbing dahilan kung bakit nahihirapang mamuhay ang Pinoy sa sariling bayan.

UGALING AKO
Walang iniisiip ang mga Pilipinong makasarili kundi ang kanilang mga sarili lamang. Hindi pamilyar sa kanila ang mga salitang TAYO, KANYA, SAYO AT ATIN. Mas makabuluhan sa kanila ang mga salitang AKO at AKIN. Sila ay bayani sa pansariling kapakanan. Ginagawa nila ang lahat upang maging angat sa iba, kahit kapalit nito ay ang pagtapak sa pagkatao ng kanilang kapwa. Mga bayani sila kung maituturing dahil kapag may bagyo, sunog o anong klaseng sakuna, tiyak maililigtas nila ang kanilang mga sarili ng walang bakas na galos o sugat. Hindi rin nila nararamdaman ang kahirapan sa Pilipinas dahil eksperto silang gumawa ng paraan umangat lamang ang kanilang sariling buhay. Tanungin mo ang sarili mo, baka ikaw ang konkretong halimbawa nito. Hindi uunlad ang ating bansa kung ang mga mamamayan mismo ay watak-watak at walang pagkakaisa. Ang pag-isip sa kabutihang panlahat ay makakagaan sa ating pamumuhay. Walang mangyayaring pagbabago kung ang pag-iisip ng “ako” ang papairalin.

UGALING TALANGKA
Ito ang pinakamabagsik sa lahat. Ito ay ang ugaling namana pa natin mula sa mga dayuhan. Sinong Juan ba ang hindi nagtataglay ng ganitong ugali? Mula sa pinakamayaman hanggang sa pinakamahirap na antas ng lipunan ay may ganitong oryentasyon. Kung may tinatawag na ‘PUSH AND PULL’ sa siyensya, puro ‘PULL AND PULL’ naman ang pinaiiral ng mga Pilipinong utak talangka. Pwede ring ‘DRAG ME TO HELL’ ang drama ng mga Pilipinong may ganitong ugali. Kawawa ang mga biktima dahil talagang malalasap nila ang mala-imperyong sakit kapag nahila sila pababa. Ito rin ang isa sa dahilan kung bakit hanggang ngayon nananatiling mahirap ang bansa. Mas pinagkakaabalahan kasi natin ito kaysa humanap ng solusyon para umangat ang kalagayan ng bansa. Hanggang sa hilahan pababa na lamang ba ang kayang gawin ng Pililipino? Tsk. Tsk. Tsk.

UGALING DAGA
Madalas nating iniuugnay ang kahirapan sa ating bansa sa buhay ng daga. Tulad ng mga daga, nahihirapan mamuhay ang karamihan sa Pilipino sa bansang nakagapos sa kahirapan. Kaliwa’t kanan ang pagsusumikap ng ilan sa ating mga kababayan ngunit nananatiling mahirap pa rin ang mahihirap. Kung tatanungin mo ang kapwa mo tipikal na Pilipino kung anong klaseng buhay meron sila, malaking porsyento ang sasagot na ‘‘mas mahirap pa sa daga”. Ang mga Pilipinong may ganitong pag-uugali ay ang mga naniniwalang wala ng pag-asa. Tanggap na nila na kailan man ay hindi uunlad ang Pilipinas. Ang kawalan ng pag-asa ang nagdudulot kung bakit hanggang ngayon marami sa Pinoy ang nananatiling isip daga. Nawawalan na sila ng pag-asang mag-isip ng makabuluhang bagay na nag-uudyok upang mas lalong maghirap ang bansa. Ito ang kasalukuyang katotohanan na kinakaharap ng karamihan sa atin. Kung hahayaan na lamang ito, magpapatuloy na buhay daga ang buhay sa Pinas.

UGALING TAMAD
Nakakahiyang kantahin ang ‘HOY! PINOY AKO!’ kung puro naman katamaran ang iyong pinapakita. Mas maiman siguro kung “HOY! TAMAD AKO!” Hindi maikakailang ‘Juan Tamad’ ang bansag sa mga Pilipino. Ang mas nakakatuwa, tayo rin mismo ang naghirang nito sa atin. Pero teka lang, tamad nga ba ang Pinoy? Nakakainis isipin na hanggang ngayon, hindi pa rin natin iniiwan ang ganitong konsepto. Kasabay ng pagyakap sa pag-uugaling ito ay ang pag-ayaw din natin sa pagbabago at pag-unlad. Marahil isa ka sa mga Pilipinong ipinanganak na tamad, lumaking tamad at nananatiling tamad hanggang sa kasalukuyan. Lumaki siguro ang karamihan sa atin na mulat sa kasabihang ‘’Di bale nang tamad, ‘di naman pagod’. Meron ding mga Pilipinong pagod ngunit wala namang ginagawa. Ang mga Pinoy na tulad nito ay ang mga taong puro reklamo lamang ang ginagawa sa buhay. Nagrereklamo sila kung bakit mahirap ang Pilipinas; kung bakit napabilang sa third world countries ang bansa at kung anu-ano pa. Lahat na yata ng bagay ay inirereklamo nila. Isa lamang ang nakalimutan nilang ireklamo; ‘yon ay kung bakit hanggang sa reklamo na lang ang kaya nilang gawin.

UGALING MAPANGARAP
Ito ang mga Pilipinong naging ugali ang mangarap sa buhay. Pinapangarap nilang makapaglibot sa buong mundo balang araw. Pangarap din nilang magkaroon ng malaking bahay na pinapalibutan ng maraming katulong at may malawak na lupain at may koleksyon ng maraming sasakyan. Gusto rin nilang makapagpatayo ng negosyong magbibigay sa kanila ng maraming pera. Lahat na yata ng pwedeng pangarapin sa buhay ay pinapangarap na nila. Sila ang mga Pinoy na nabubuhay sa pangarap. Kung nakakapagbigay lamang ng pera ang mga pangarap, marahil matagal ng lumalangoy sa pera ang bawat Pilipino. Ika nga nila, “Ang taong mahirap ay ang mga taong walang pangarap sa buhay. Libre na nga hindi pa kayang mangarap”. Sa kabilang banda, mananatiling mahirap lamang ang tao kung walang pagkilos at walang paraang ginagawa sa buhay upang maabot niya ang kanyang pangarap. Sa kasalukuyan, ganito ang ugaling Pinoy. Kahit gaano pa kaimposible ang kanilang pangarap ay kaya nilang pangarapin. Ngunit natatakot naman silang kumilos kahit gaano pa kaposible ang kaparaanan.

UGALI NG TUNAY NA PINOY!
Naniniwala silang uunlad ang Pilipinas. Wala sa kanilang diwa ang ugaling tamad, batugan, pagkamakasarili, kahit anong mga negatibong ugali. Positibo nilang hinaharap ang buhay kahit puro negatibo na ang kanilang paligid. May prinsipyo silang pinanghahawakan sa buhay na tumutulong sa kanila upang maging totoong Pinoy sa isip, sa salita, at sa gawa. Taas noo nilang ipinagmamalaki ang kanilang lahi. Pangarap nilang umunlad ang buhay ng bawat mamamayang Pilipino at hindi sila titigil hangga’t hindi ito nagkakatotoo. Sila ang magtataas ng bandila ng bansa sa minimithi nitong kaunlaran. Ngunit hindi pa sila pinapanganak. Wala pang Pilipinong nangahas na gawin itong lahat.

Ngayon ay alam na natin na hindi ang bansa ang may pagkukulang. Hangga’t hindi pa minumulat ng mga Pilipino sa kanilang kamalayan sa katotohanang may pag-asa pang naghihintay sa bansa, mananatiling mahirap mamuhay sa bansa. Hangga’t patuloy mong iminumulat ang iyong kamalayan sa mga negatibong bumabalot sa’yo, hindi mo kailan man malalasap ang ginhawa ng buhay. Hangga’t walang ginagawang paraan sa paghihirap ng sarili mong bayan, pinagkakaitan mo ang iyong sariling maranasan ang kaginhawaan.
Naghihintay sa iyo ang kaunlarang matagal mo nang minimithi. Sa bandang huli, desisyon mo rin ang makakapagsabi kung ninanais mo ang pagbabago o hindi. Mas magiging mainam kung ang mga negatibong oryentasyon at pag-uugaling ito ay magiging positibo. Dahil sa totoo lang, hindi naman talaga mahirap mamuhay sa Pinas, tanging ang negatibong ugali at oryentsasyon lamang ng mga Pilipino ang nagtutulak sa bawat isa kaya nasasabi niyang mahirap mamuhay sa bansa.

Hindi naman talaga natin kailangan ng mga dambuhalang makinarya upang makamit ang pag-unlad, mas kailangan natin ang mga mamayang nagtutulungan at nagkakaisa sa layuning umunlad ang bansa.