COFFE BREAK


January 15, 2011,8:00am-Late na akong nagising. Pa’no ba naman kasi, pasado alas dose na ng madaling araw nakauwi mula sa conference na dinaluhan. Last night na kasi kaya dapat sinulit na ang dapat sulitin. Party kung party (Hindi yung party na nasa disco club ang tinutukoy ko). Receive kung receive. At kumanta ng kumanta hanggang sa mapaos. Lahat ng ito, ayos! Ne-revived ako bigla. Parang adversitement sa TV na kung meron instant whitening toothpaste, instant din ang pagkaramdam ko ng revival sa sarili. Iba ang nangyari sa akin kagabi. May hang-over pa nga ako kaya late nang nagising.





Iba rin ang mood ko ngayong araw. Masaya! Ayos! Iba ito sa mga nagdaang araw na lumipas sa buhay ko. Whew! Pagkatapos maligo at mag-ayos para pumunta ng simbahan, dumaan muna ako sa Owes Bakeshoppe sa likod ng Victoria Plaza Mall upang makapagkape at makapag-pandesal. Yung kaping ina-advertise sa TV. Ito ata ang linya ng endorser, Brown Coffee, Yummy. Tinikman ang kape. Kinuha ang isa sa limang pirasong pandesal. Masarap nga naman talaga. Suki na ako sa kapeng ito.

Paunti-unting hinigop ang kape. Ang sarap! Yummy nga talaga! Mula pagkabata hanggang umabot kolehiyo, ito na ang kapeng kinagiliwan ng mga magulang kong bilhin para sa aming pamilya. Ito raw ang kape ng dekada at siglo. Hindi ko alam kung bakit pero sa tpagkakaalam ko (kunwari alam ko), uso ang trading o mas kilala sa tawag na barker system ng mga kape, siling labuyo, at kung anu-ano pa noong panahon ng paghihimagsik ni Aguinaldo sa mga Kastila. Ito rin siguro ang paboritong kape ni Magellan noong kapanahunan niya. At si Lapu-lapu siguro ang unang endorser nito. Hind ko lang ma-imagine si Lapu-Lapu habang nakasuot ng bahag at may itak sa sunturong gawa sa abaka sa tagiliran habang nagsasabing, Brown Coffee, Yummy! 

Pero sa totoo lang, sinasaludo ko ang nakaimbento ng kape sa mundo. Isali na rin ang iba pang naimbentong produktong talaga namang nakatulong sa pamuhuhay ng mga nasa mundong ibabaw. Mula sa imbensyong para sa paa hanggang sa kinagigiliwan nating imbensyong para sa buhok. Mula sa medyas, nail cutter, sapatos, tsinelas at gamot sa Athlete’s foot hanggang sa pang-ipit ng buhok, sombrero, shampoo isali na rin ang nakaimbento ng brief, bra, deodorant, at damit. Minsan bumibili tayo nito pero kadalasan nakiki-avail na lang sa produktong ibinibigay nga mga kompanya nito. Hindi ko alam kung old stocks na ba ang mga ito kaya ipinamimigay na lang basta ‘t libre kang makakatanggap, solb na!

Hinigop na naman ng kape at kinain ang pangalawang pandesal. Minsan nang pumunta ako ng Manila para umattend ng Geological Conference noong December 2011, kasama ko ang ate ko na sumakay ng MRT. Pagkababa naming sa Cubao Station, naki-avail ako sa Gatsby na ipinamigay. Ayos yung ganun, biruin mo nakaapat akong Gatsby sachet. Para sa pang-apat na araw na rin yun. Sa school naman, suki na ang paaralan naming sa mga ganung bagay. Iba’t ibang product company ang pumupunta upang magbigay ng deodorant, shampoo, facial moisturizer, toothpaste, toothbrush at kung anu-ano pa. Nakiki-avail naman ang mga estuyanteng naubusan na ata ng toothbrush, toothpaste, shampoo at deodorant sa kanilang boarding house. O di naman kaya ay naubos ang allowance sa pagfe-facebook at sa pagcla-club ng magdamagan kaya nakikisiksik na lang sa freebies na ibinibigay. Yung iba hindi pa nakontento, nakatanggap na nga, babalik ulit upang manghingi ng higit sa isang produkto. Hanep ka tol! Ginawa mong collection items yung deodorant, shampoo, toothpaste at toothbrush. Tapos ide-display ang mga ito sa bahay at gawing tourist post para sa mga bumibisitang kamag-anak. Tapos mami-misinterpret ng isa mong kamag-anak ang colletibles mo at magtatanong ng: siguro tinubuan na yang kili-kili mo ng sibuyas at bawang dahil hindi mo ginagamit ang mga deodorant na ‘to. Sabay turo sa mga naka-display na deodorant.. Ilang kilong na ba ng ginto ang naipon mo at bakit hindi mo ginagamit itong mga toothbrush at toothpaste. Ituturo naman ang toothbrush at toothpaste. At ikaw naman ay maiinsulto sa komento ng kamag-anak mo at palalayasin mo sila at gagayahin mo ang napanuon mo sa teleserye sa TV: Lumayas ka! Lumayas ka! Sabay tulo ng luha sa mga mata. At kaw ay dahan dahang pupunta sa collectible times at iiyak na parang bida sa teleserye na inapi ng mga kontrabida.

Yung ibang kaklase ko na-overwhelmed nang makatanggap ng libreng toothpaste. Pirst taym daw nila kasing makatanggap ng ganun nila sa buhay. Yung iba ipinamalita talaga sa iba na mayroong nagbibigay ng freebies sa harap ng school. Himala na kasi ang ganitong pangyayari sa kanilang buhay.

Sa hirap ba naman ng buhay ngayon, talagang himala na lang ang magbibigay ng libeng bagay. Ipagpasalamat na lang natin na mayroon pa ring mga taong handang magbigay para sa kapwa. Ang tinatanggap nating mga produktong ibinibigay ng libre sa mall, sa school at sa daan, minsan ay may kapalit. Oo nga’t hind pinipilit ngunit ipapayo nilang bilhin mo ang mga bagay na ganito at ganyan dahil sulit daw ang perang ibabayad mo. Ngunit may kilala akong Taong kayang ibigay ang lahat para sa’yo.

Hayaan mong ipakilala kita sa Isang Taong ibinigay ang kaluwasan kapalit ang Kanyang buhay. Sinakripisyo Niya ang sakit ng mga latigong humampas sa banal Niyang katawan, hinayaan Niya ang sarili na  mapako sa Krus matubos lang tayo sa ating kasalanan. Lahat ng ito ay libre Niyang ipinagkaloob para sa akin, sa’yo, at sa mundo. Di tulad ng mga produktong iyong libreng natatanggap, hindi mo na kailangang magpapako pa sa Krus bilang pagtanaw ng utang na loob sa Kanya. Ganito Niya tayo kamahal. Ang pagmamahal na hindi kayang pagumaan ng panahon. Ang pagmamahal na hindi kayang pantayan ng ninuman. Siya sa Jesus Christ.
                                                                                                    
***

Lagpas 10:00 am na. Magsisimula na ang second service sa Buhangin Community Church. Hindi ko napansing nangalahati na pala ang kape at paubos na ang pandesal sa table na kinauupuan ko. Nakaramdam ako ng kirot nang makita ang isang matandang babae hawak ang lumang basong ipinanglilimos niya sa gilid ng bakeshoppe. Tumayo ako at bumili ng kape. Iniabot sa kanya ang isang mainit na kape at pandesal. Hindi ‘ko mapigilang mapaluha nang makita ko siyang unti-unting ngumiti sabay sabing, “Maraming Salamat”.

1 comment: