Gusto kong isigaw sa mundo kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Buti na lang merong blog na kung saan pwede kong mapaglabasan ng aking sariling karanasan sa araw-araw.

Bakit ba may mga taong kung umasta akala mo perpekto na? Meron ding mgha taong kung makapag-utos akala mo pinanganak ka upang maging katulong niya?

Kung pwede lang sanang suluhin ang mundo, matagal ko na sanang ginawa kesa manatiling nakalapag ang isa mong balikat sa walang kwentang mga kaibigan.

Ngayon alam ko na kung bakit may mga taong plastik, umaastang perpekto at taong ‘kala mo amo kung maka-utos. Tatlong rason lamang kung bakit patuloy silang nagiging ganito:

  1. 1.       Bali-baiktarin man ang mundo, hindi nila matanggap na mas angat ka sa kanila kaya pinipilit na lang nilang makipagplastiak sa’yo. Subukan mo mang tanungin ang ilan sa mga kaibigan mo ngayon, kahit magmakaawa ka pa sa harap niya, hinding-hindi yan aamin na plastik siya sa’yo hangga’t hindi niya nakukuha ang kinaiinggitan niya.

  2. 2.       Buong akala ng ilan na sila lamang ang may-ari ng mundo. Akala nila pinanganak silang prinsipe at prinsesa. Akala nila henyo na sila na hindi mo basta-basta maaangatan. Ngunit kabaliktaran naman nito ang kalagayan sa buhay. Hindi lang talaga nila matanggap na puro kamalian lamang ang kanilang naging at magiging desisyon. 

  3. 3.       Subukan mong obserbahan ang mga kinakasama mong kaibigan ngayon, marami sila na nakipagkaibigan lamang sa’yo dahil natutuwa silang magiging utusan ka sa buhay nila.


No comments:

Post a Comment